^

Probinsiya

4 BIFF utas sa Datu Paglas encounter

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
4 BIFF utas sa Datu Paglas encounter
Ayon kay General Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade na ang mga nasawing­ BIFF ay nasa ilalim umano­ ng Karialan faction na nakasagupa ng mga ka­wal ng pamahalaan at nag­tangkang tumakas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic­ Freedom Fighters (BIFF) ang bumulagta nang kanilang makaengkuwen­tro ang tropa ng militar sa Datu Paglas, Ma­guindanao, ka­hapon ng umaga.

Ayon kay General Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade na ang mga nasawing­ BIFF ay nasa ilalim umano­ ng Karialan faction na nakasagupa ng mga ka­wal ng pamahalaan at nag­tangkang tumakas.

Narekober ng opera­ting troops ng Joint Task Force Central ang apat na bangkay ng ekstre­mistang grupo kabilang ang isang mataas na uri ng armas at ilang mga war materials.

Ang nasabing grupo ang tinutugis ng mga militar na sumalakay sa pamilihang bayan ng Datu Paglas nitong Sabado ng umaga hanggang sa apat sa kanila ang mapatay at dalawa ang arestado.

Nangyari ang sagupaan isang araw matapos na bumisita si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Headquarters ng 6th Infantry Division sa Awang­, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kung saan nakipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng BARMM at humingi ng suporta na tulungan siya sa problema sa pag­hahasik ng BIFF.

Pinuri naman ni Major­ General Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, ang tropa ng militar sa pagkakapatay sa apat na bandido at sa patuloy pa nilang pagtugis sa mga tumatakas na BIFF at Dawlah Islamiya.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with