^

Probinsiya

Higit 76K doses ng AstraZeneca vaccine tinanggap ng Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Higit 76K doses ng AstraZeneca vaccine tinanggap ng Bulacan
Ayon sa Provincial Health Office-Public Health, may kabuuang 46,504 (54.05%) na indibiduwal batay sa alokasyon ng bakuna para sa priority population mula sa pang­kat A1 hanggang A3 ka­sama ang mga frontline health worker at mga propesyunal; mga senior citizens na may edad 60 pataas; at mga indibiduwal na may comorbidities ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang 5,751 (6.93%) naman dito ang nabakunahan na para sa ikalawang dose nitong Mayo 10, 2021.
AFP/Alain Jocard

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sa layong makamit ang 70% herd immunity at maproteksyunan ang mga Bulakenyo, tumanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng karagdagang 76,801 doses ng AstraZeneca vaccine mula sa pamahalaang nasyunal kamakalawa at inilagay sa nakatalagang cold sto­rage room sa Hiyas ng Bu­lacan Convention Center.

Ayon sa Provincial Health Office-Public Health, may kabuuang 46,504 (54.05%) na indibiduwal batay sa alokasyon ng bakuna para sa priority population mula sa pang­kat A1 hanggang A3 ka­sama ang mga frontline health worker at mga propesyunal; mga senior citizens na may edad 60 pataas; at mga indibiduwal na may comorbidities ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang 5,751 (6.93%) naman dito ang nabakunahan na para sa ikalawang dose nitong Mayo 10, 2021.

Ang karagdagang 76,801 na mga bakuna ay gagamitin sa mga na­titira pang grupo mula sa priority population.

Sinabi ni Gobernador Daniel Fernando na kahit paunti-unti, pagsusumikapan ng Pamaha­laang Panlalawigan na makapagbakuna ng mga Bulakenyo hangga’t ma­aari at hangga’t may avai­lable na mga bakuna.

“Dahil sa limitado pa rin ang mga bakuna na available dito sa atin, pagsusumikapan ng ating Pamahalaang Panlalawigan na matugunan at mabakunahan ang mga Bulakenyo hangga’t ma­aari, hangga’t may dumarating sa ating mga bakuna.

Kahit paunti-unti, alam ko na makakamit natin ang proteksyong ating kinakailangan para laba­nan ang COVID-19,” anang gobernador.

vuukle comment

ASTRAZENECA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with