^

Probinsiya

‘Granular quarantine’ ipinatupad sa Guimba

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
�Granular quarantine� ipinatupad sa Guimba
Dahil dito, ipinatupad mula kahapon (Lunes) ang granular quarantine sa ilang piling purok ng Sta. Veronica kung saan lalagyan ng mga barrier o harang ang mga daanan upang hindi umano makalabas at makapasok ang mga tao sa 15-20 meter radius mula sa ground zero kung saan may nagpositibo.
The STAR/Miguel de Guzman

GUIMBA, Nueva Ecija, Philippines — Isinailalim sa “granular quarantine” ang ilang purok ng Brgy. Sta. Veronica District matapos magtala ng apat na sunud-sunod na pagkasawi ng COVID-19 patients at pagkakaroon ng 20 na aktibong kaso. 

Ayon kay Dra. Gene Tadeo, municipal health officer, nababahala sila sa biglaang paglobo ng kaso sa Sta. Veronica dahil umano sa local transmission nito na kapag isa sa miyembro ng pamilya ang nagpositibo ay madali na silang magkakahawahan.

Aniya, sa kanilang pag-aanalisa, ang Guimba Public Market ang naging common ground kung saan marami sa mga napositibo sa CO­VID-19 ang nagtungo roon.

Dahil dito, ipinatupad mula kahapon (Lunes) ang granular quarantine sa ilang piling purok ng Sta. Veronica kung saan lalagyan ng mga barrier o harang ang mga daanan upang hindi umano makalabas at makapasok ang mga tao sa 15-20 meter radius mula sa ground zero kung saan may nagpositibo.

Ayon sa Municipal Health Office, lima hanggang pitong araw umano tatagal ang granular qua­rantine, walang lalabas at walang papasok habang isasagawa naman ang disinfection activity at antigen testing sa mga apektadong residente. Susuplayan ng food packs ang mga nasa granular quarantine.

Aabot naman sa 299 na ang total confirmed cases habang ang bagong kaso (as of May 9) ay nasa 98 at pumalo na sa 23 ang namatay. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with