^

Probinsiya

4,000 mangangalakal ng basura inayudahan ng RCMP sa Rizal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 4,000 scavengers o mangangalakal ng basura ang nahatiran ng tulong ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa pangunguna ni TP Jimmy Ocampo sa panahon ng pandemya sa Gawad Kalinga St., Sitio Maislap, San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Sabado.

Sa pakikipag-partner ng RCMP sa Southfield Agencies Inc, nagsagawa ang grupo ng solar water pump repair, construction ng community kitchen, feeding program, gift giving at tree planting sa nasabing lugar na dinagsa ng maraming bata at pamilya ng mga scavengers.

Ang mga ayuda na naihatid at tinanggap ng mga residente sa pamamahala ni Bishop Jose Vicente Tin-ga ng Our Lady of Sorrows Church ay kinabibilangan ng 14 sako ng bigas, 1-sako ng malagkit, 1-sako ng sibuyas, isang sako ng bawang, 20 tray ng itlog, 10 kahon ng bottled water, 13, boxes ng Zesto drinks, 15 kahon ng used clothings, mga laruan, blankets at unan; P15K halaga ng iba’t ibang canned good at noodles, 2,000 plastic spoons and forks; 20 pairs ng rubber shoes, 2 weighing scale, 50 plastic chairs and tables; 300 hygiene kits at karagdagang P10K para sa apat na nebulizers. Nag-donate rin ang grupo ng 15 bunches ng saging, 2 box ng apples, 2 ice cooler box, 200 plastic plates, 200 cups, 100 bowls o timba, 100 dipper o tabo, 100 lunch boxes at 300 bottles ng Sakto coke.

Mas natuwa ang mga residente nang ipaayos ng RCMP ang sirang solar water pump ng kanilang komunidad kung saan pinalitan lahat ang mga parts nito kabilang ang inverter upang gumana at ngayo’y maaari na silang makaigib ng inuming tubig at panligo.

Matapos ang feeding program at gift giving sa mga bata, isinagawa na rin ang tree planting ng mga opisyal at miyembro ng RCMP kung saan 20 araucaria trees ang kanilang itinanim sa lugar.

Ang pagbibigay ng ayuda sa nasabing komunidad ay tuluy-tuloy na isasagawa ng RCMP hanggang sa susunod pang taon.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with