^

Probinsiya

Ospital sa Bulacan, eksklusibo na sa mga COVID-19 patients

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Hindi na ta­tanggap ng non-COVID-19 patients ang Bulacan Medical Center (BMC) sa Malolos ngayong ganap na itong isang COVID-19 Referral Facility, kasama ng katabing Bulacan Infectious Control Center (BICC).

Ipinaliwanag ni Go­vernor Daniel Fernando na bahagi ito ng ipina­tutupad na “Bulacan Surge Capacity Plan for COVID-19” simula ngayong Mayo 2021. Tanging mga pasyenteng may COVID-19 ang tatanggaping mai-admit sa BMC at BICC habang ang mga non-COVID patients na dating inililipat mula sa mga pribadong ospital ay sa mga district hospitals na dadalhin.

Sinabi ni Fernando na layunin nito na higit na mapalakas ang kapabilidad at kapasidad ng BMC at BICC sa paggagamot sa labis na nakakahawang sakit na ito.

Dahil dito, ang BICC na dating may 134 na mga kama ay naging 200 na habang itinaas rin sa 30 ang bilang ng mga Intensive Care Units (ICUs) ng BMC  mula sa dating 20.

Kaakibat ng pagi­ging eksklusibo ng BMC at BICC para sa mga pas­yenteng tinamaan ng COVID-19, ang Ca­lumpit District Hospital (CDH) ay isa ngayong specialty hospital para sa Obs­tetrics and Gyne­cology (OB) Ward o paanakan at Pediatric Ward. Mayroon ding inilagay na Pediatric Ward sa Emilio G. Perez District Hospital sa Hagonoy habang dito rin inilagak ang Medical Ward.

Ang Surgical Ward ay matatagpuan ngayon sa Gregorio Del Pilar District Hospital sa Bulakan. Habang ginawang general hospital ang mga pasilidad ng Baliwag District Hospital, Rogaciano Mercado Memorial District Hospital sa Santa Maria at ang San Miguel District Hospital. Magdaragdag naman ng tig-apat na mga ICUs sa nasabing mga district hospitals para sa mga non-COVID na pasyente.

Nilinaw ng gobernador na pansamantala lamang ang ganitong set-up o sistema habang may pandemya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with