^

Probinsiya

Lady cop grinipuhan ng kuya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sugatan at nagpapagaling na sa ospital ang isang babaeng pulis matapos na saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid sa Purok-7, Brgy. Bogtong sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kahit sugatan sa katawan ay nakapagmaneho pa ng kanyang sasakyan upang magpagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Staff Sgt. Caroline Dawal Francia, 36, ng Brgy. Tagas, Da­raga at nakatalaga sa Police Strategy and Ma­nagement Unit ng Albay Provincial Police Office sa Ligao City.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, nagtungo ang nasabing pulis sa naturang barangay dahil may kukuning parcel mula sa isang online seller. Gayunman, nakita dito at nakasagutan ng biktima ang kanyang kuya na si Ferdinand Panti Dawal, 38, hanggang sa mauwi sa pananaksak ng huli sa kapatid.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima habang agad na naaresto ng kanyang mga kabaro ang kanyang kuya.

vuukle comment

CAROLINE DAWAL FRANCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with