^

Probinsiya

Sasakyang may kargang mga bala naharang ng militar, 3 timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Army matapos na madiskubre  ang sangkaterbang bala sa loob ng kanilang nasabat na sasakyan sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy, namataan ng mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion ang tatlo katao na kahina-hinala ang kinikilos habang sakay ng gray Honda Civic na may plakang YDP-800 sa bahagi ng Shariff Saydona, Mustapha, Maguindanao.

Nang usisahin ng mga sundalo ang loob ng kotse, tumambad sa kanila ang isang kahon na may laman na 6,000 rounds ng bala ng M16 armalite rifles.

Dahil walang naipakitang papeles ang mga suspek na hindi tinukoy ang kanilang pangalan, agad silang hinuli ng mga sundalo.

Naniniwala  ang mga awtoridad na posibleng dadalhin ng tatlo ang mga bala sa kuta na BIFF na halos paubos na ang kanilang mga bala sa kalat-kalat nitong sagupaan sa militar.

vuukle comment

JUVYMAX UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with