^

Probinsiya

Rider nagulungan ng trak, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

GUINOBATAN, Albay , Philippines — Kamatayan ang sinapit ng isang rider matapos na magulungan ng trak nang magtangkang mag-overtake habang bumabagtas sa kahabaan ng national road sa Brgy. Ilawod ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang dalhin ng mga kasapi ng MDRRMO-Guinobatan sa Josefina Belmonte Memorial District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Mark Robert Reyes Paycana, 37-anyos, residente ng Purok-2, Brgy. Masarawag.

Tinutugis na ang hindi nakilala at tumakas na driver ng nakasagasang trak.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon magkasunod na binabagtas ang highway patungo sa direksyon ng Ligao City ng walang plakang motorsiklo ng biktima at Isuzu Giga Truck (CBJ-1377) na minamaneho ng hindi naman nakilalang driver.

Gayunman, pagdating sa naturang lugar ay sinubukan ng rider na mag-overtake sa kanang bahagi ng trak pero naipit at sumemplang ito dahilan para pumailalim at nasagasaan ang katawan sa hulihang gulong ng trak na agaran nitong ikinamatay.

vuukle comment

MDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with