^

Probinsiya

110-anyos lola sa Bulacan umapela kay Duterte

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

P100K centenarian benefit ‘di pa natatanggap

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang sentenaryong lola na 110 taong gulang at kanyang pamilya matapos na hindi pa nito natatanggap ang benepisyong P100,000 mula sa Department of Social Welfare and Development.

Sa eksklusibong panayam ng PSN, sinabi ni Danilo Pulga, bunsong anak ng sentenaryong lola na si Juana Morallos Pulga na naninirahan sa Blk. 60, Lot 14, BB-3 sa nasabing lungsod na tatlong taon na nilang nilalakad ang P100,000 benepisyo na dapat na ibigay ng pamahalaang nasyonal sa mga matatandang umabot ng edad 100 pataas.

Ayon kay Danilo,  noon pang taong 2018 nang simulan nilang ayusin ng kanyang anak ang mga dokumento para makakuha ng nasabing benepisyo ang kanyang ina na noo’y 108-anyos.

Sa darating na Mayo 20, 2021, si lola Juana ay tutuntong na ng edad 111, subalit hanggang ngayon ay tila pangarap pa lang na makukuha niya ang dapat sana’y benepisyo na nakalaan para sa kanya.

“Maka-ilang beses kaming pinagbalik-balik ng City Social Welfare and Development Office sa kanilang tanggapan, at napakaraming hinihinging requirements,” ani Danilo.

Ang mga requirements na dapat na isumite ng immediate family ni lola Juana ay ang mga sumusunod: Pangalan ng sentenaryo, address, certificate of eligibility, proof of living photo, birth certificate (PSA/LCR/Late registration 5yrs onward) at marami pang iba.

Naibigay naman umano nila ang lahat ng mga hinahanap ng social welfare pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukuha ng matanda ang nasabing benepisyo.

“Hihintayin pa ba nila na mamatay ang aking nanay bago nila ibigay ‘yung dapat para sa aking ina na napakaraming pangangailangan, tulad ng gamot, diaper, gatas, vitamins at iba pa,” pahayag ni Danilo.

Sinabi naman ni Ellen delos Santos, focal person ng mga Centenarian sa Office of the City Social Welfare ng San Jose del Monte na hindi sila nagpapabaya at sinisikap nila na makuha na ni lola Juana ang benepisyo sa lalong madaling panahon.

Maging si Mayor Atrthur Robes aniya at si Cong. Rida Robes ay personal na pinuntahan si Lola Juana at tiniyak na naaabutan ng tulong ang sentenaryo.

Personal na ring binisita ni Bulacan Gov. ­Daniel Fernando ang matanda at inabutan ng tulong pinansiyal bukod pa sa P10,000 taunang cash aid na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa mga sentenaryo sa Bulacan.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with