^

Probinsiya

Mag-asawa kumasa sa raid, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa kumasa sa raid, todas
Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw, bitbit ang search warrant na inilabas ni Judge Arriel Dating ng Daet Regional Trial Court (RTC)-Branch 41 kasama sina Brgy. Kapitan Norberto Murillo at Kagawad Joel Hernandez bilang mga testigo ay sinalakay ng mga operatiba ng Police Provincial Intelligence Unit, 96th Infantry Batallion ng Philippine Army, 2nd Provincial Mobile Force Company at Capalonga Police sa superbisyon ni Capt. John Lawrence Sabong ang bahay ng mag-asawang Marca dahil sa pag-ii­ngat ng mga hindi lisensyadong baril.
STAR/File

CAPALONGA, Camarines Norte, Philippines — Bumulagta ang isang mag-asawa habang pinaniniwalaang sugatan ang ilang rebelde matapos silang pumalag at makipagbarilan sa mga pulis at sundalo na mag­hahain sana ng search warrant sa bahay ng mga suspek sa Purok-2, Brgy. San Antonio ng bayang ito kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Noeme Avesando Marca, 51-anyos at misis niyang si Lourdes, 49-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw, bitbit ang search warrant na inilabas ni Judge Arriel Dating ng Daet Regional Trial Court (RTC)-Branch 41 kasama sina Brgy. Kapitan Norberto Murillo at Kagawad Joel Hernandez bilang mga testigo ay sinalakay ng mga operatiba ng Police Provincial Intelligence Unit, 96th Infantry Batallion ng Philippine Army, 2nd Provincial Mobile Force Company at Capalonga Police sa superbisyon ni Capt. John Lawrence Sabong ang bahay ng mag-asawang Marca dahil sa pag-ii­ngat ng mga hindi lisensyadong baril.

Gayunman, pinutukan ng may 10 hinihinalang kasapi ng New Peoples Army (NPA) na nasa bahay ng mag-asawa ang mga ope­ratiba at tinamaan sa katawan ang may hawak ng search warrant na si Patrolman Michael Betchayda na masu­werteng nakaligtas dahil sa suot na bullet proof vest.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang raiding team na umabot pa ng 15-minuto ang engkuwentro hanggang sa tumimbuwang ang mag-asawa at nagsitakas ang mga rebelde kasama ang ilang nasugatang kasamahan.

Nakuha sa lugar ang dalawang bomba (improvised explosive device) na may detonating cord at fuse, isang kalibre 45 pistola, isang kalibre .38 revolver at mga bala ng M16 rifle.

vuukle comment

RAID

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with