^

Probinsiya

Health at safety protocols sa Morong, Bataan hinigpitan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Health at safety protocols sa Morong, Bataan hinigpitan
Sa pagpupulong ng Local Task Force COVID-19 na pinangunahan ni Mayor Cynthia Estanislao kasama ang mga punong bantangay, napagkaisahan nilang mahigpit na pagpapatupad ng safety and health protocol alinsunod sa isinasaad ng Provincial at Municipal Ordinance.
The STAR/Michael Varcas, file

MORONG, Bataan, Philippines — Muling naghigpit simula kahapon (May 3, 2021) ang munisipalidad ng bayang ito sa pagpapatupad ng safety and health protocol sa mga residente dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa pagpupulong ng Local Task Force COVID-19 na pinangunahan ni Mayor Cynthia Estanislao kasama ang mga punong bantangay, napagkaisahan nilang mahigpit na pagpapatupad ng safety and health protocol alinsunod sa isinasaad ng Provincial at Municipal Ordinance.

Kabilang sa mga paghihigpit ay ang paglalagay ng checkpoint sa mga entry/exit points ng bawat barangay; pagkakaroon ng travel pass sa mga lalabas at papasok sa Morong at tanging mga essential travels lamang muna ang papayagan; pag-iral ng curfew hours mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga; pagpapatupad ng liquor ban; pagbabawal ng mass gatherings katulad ng birthday party, reception sa kasal at binyag, reunion, at iba pang okasyon, kung saan nagtitipon-tipon ang maraming tao.

Ipinagbabawal din ang paglabas ng mga batang may edad 15 pababa at mga senior citizens na may edad 66 pataas. Isasara rin ang kanilang palengke tuwing araw ng Linggo simula May 9, 2021 upang bigyang-daan ang disinfection. Mahigpit ding ipatutupad ang “no face mask, no face shield, no entry” lalo na sa mga tanggapan at business establishments.

  Ang sinumang mahuhuli at mapapatunayan na lumabag sa mga nasabing protocols ay may kaakibat na multa at parusa na naaayon sa mga ipinaiiral na batas at alituntunin.

Ang naturang paghihigpit ay ipatutupad hanggang Mayo 31, 2021.

vuukle comment

COVID-19

HEALTH PROTOCOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with