^

Probinsiya

‘Most wanted’ ng 23-taon natimbog sa Laguna

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
�Most wanted� ng 23-taon natimbog sa Laguna
Kinilala ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nadakip na si Romulo Guimmayen, 52, da­ting taga-Sta. Filomena, ­Abulug, Cagayan.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matapos ang mahigit sa 23 taon na pagtatago, bu­magsak sa kamay ng batas ang tinaguriang most wanted person ng Cagayan Valley o Region-2 matapos matunton sa kanyang pinagtataguan sa Rosa Flor Subdivision, Barangay Tagapo, Santa Rosa, Laguna kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nadakip na si Romulo Guimmayen, 52, da­ting taga-Sta. Filomena, ­Abulug, Cagayan.

Ayon kay P/Lt. Col. Andree Abella, hepe ng Public Information Office ng PRO2, inaresto ng pinagsanib na pu­wersa ng mga awtoridad si Guimmayen sa bisa ng warrant of arrest na ipina­labas ni Judge ­Nathaniel Patugalan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 33 sa Ballesteros, Cagayan noong Disyembre 3, 1998 dahil sa kasong pagpatay sa kamag-anak na si Fernando Andres, taga-Barangay Sta. Filomena noong 1998.

Agad na tumakas si Guimmayen at nagtago subalit makalipas ang mahigit sa dalawang dekada ay nadakip din nang matunton ng mga operatiba ang kanyang pinagtataguan sa Laguna.

Ayon pa kay Abella, dadalhin muna ang akusado sa himpilan ng Ballesteros Police para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korte para sa kaukulang disposis­yon.

vuukle comment

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with