^

Probinsiya

2.7K magsasaka tumanggap ng libreng binhi ng palay

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Mahigit sa 2,700 mga magsasaka ang tumanggap ng libreng mga certified seeds mula sa Department of Agriculture na ipinamahagi ng Local Government Unit ng Bayombong (LGU-Bayombong) bilang tulong ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Ralph Lantion, ang mga magsasaka na nagparehistro sa municipal agriculture office ng Bayombong ang  pangunahing nakatanggap ng mga libreng binhi ng palay, mula dalawa hanggang limang sako bawat isa, depende sa lawak ng kanilang sinasakang lupain.

Maliban sa libreng certified seeds na ipinagkaloob sa kanilang bayan ng DA, sinabi ni Lantion na makatatanggap din ang mga magsasaka ng libreng abono kung saan dadalhin ito ng Municipal Agriculture Office sa bawat barangay para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao sa iisang lugar na maaaring magbigay ng banta sa kalusugan dahil sa COVID-19.

Maliban sa mga rice farmers, unang pinagkalooban ng LGU-Bayombong ng P3,000.00, kalahating kaban ng bigas, tatlong manok at dalawa tray ng itlog ang mga magsasaka na nagtatanim naman ng mais sa nasabing bayan.

Ayon kay Lantion, ang mga corn farmers ng Bayombong na pinili ng DA na mabigyan ng ayuda ay ang mga kulang sa 1-hektarya ang sinasaka na lupain bilang tulong ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya.

vuukle comment

AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with