^

Probinsiya

Tricycle niratrat, babaeng driver dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Tricycle niratrat, babaeng driver dedo
Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa leeg na kanyang ikinasawi si Raquel Sumadsad, 50, may asawa, samantalang sa kaliwang bahagi ng ulo tinamaan ng bala at kritikal sa ospital si Mark Anthony Payen, 27, kap­wa mga residente sa nabanggit na barangay.
Philstar.com/File photo

CANDELARIA, Philippines — Hindi na ­umabot pa ng buhay sa ospital ang babaeng driver ng isang tricycle habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang pasahero makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin ka­makalawa ng gabi sa Purok 4, Barangay Malabanban Sur sa bayang ito.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa leeg na kanyang ikinasawi si Raquel Sumadsad, 50, may asawa, samantalang sa kaliwang bahagi ng ulo tinamaan ng bala at kritikal sa ospital si Mark Anthony Payen, 27, kap­wa mga residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, bandang alas 6:10 ng gabi ay igagarahe na ng biktima ang minamaneho nitong tricycle nang harangin ng hindi nakikilalang lalaki.

Mabilis na bumunot umano ng baril buhat sa beywang ang suspek at walang sabi-sabing pi­naulanan ng punglo ang mga sakay ng tricycle saka naglakad lamang papatakas.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo sa krimen.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with