^

Probinsiya

3.2 milyong face masks, ipinadala sa 569 barangay sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan - Ipinadala na sa 569 na mga barangay sa Bulacan ang 3,265,167 piraso ng face masks na gawa sa makakapal na tela.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen O. Paje, ang mga washable face masks ay ipinatahi sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Mask para sa Masa Project, upang ipamigay nang libre sa mga pinakamahihirap na mamamayan.

Prayoridad pagkalooban ang mga nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) 1 & 2, mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizens, PWDs at iba pang nasa informal sector.

Ang Provincial Social Welfare and Deve­lopment (PSWDO) ang maghahatid sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan habang pagtutulungan ng mga Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) at mga mother leaders ang pagbabahay-bahay upang ibigay ang tig-5 telang face masks sa kada bahay ng benepisyaryo.

Sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI), tinahi ng iba’t ibang micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang mga face masks na binayaran ng Department of Budget and Management (DBM) ang bawat piraso.

Kaya’t nagsilbi rin itong alternatibong kabuhayan para sa mga MSMEs ngayong may pandemya. Nagbigay ng kasanayan ang TESDA upang maging angkop at maayos ang pagkakatahi.

Tumulong ang Philippine Textile Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST) sa pagsusuplay ng de-kalidad na tela para rito.

Ayon pa kay Usec. Paje, dapat maipamahagi ang lahat ng face masks sa loob ng isang linggo. Ito aniya ang magsisilbing unang pananggalang ng publiko laban sa COVID-19 habang hindi pa nababakunahan ang karamihan.

vuukle comment

DBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with