^

Probinsiya

6 wanted todas, 27 tiklo sa Bicol Region

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 wanted todas, 27 tiklo sa Bicol Region
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas na pinapurihan ang matagumpay na operasyon ng Police Regional Office (PRO) V mula Abril 25-30 ng taong ito.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Anim na pinaghihinalaang mga kriminal at wanted sa batas ang napaslang habang 27 ang naaresto na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng 47 loose firearms at tatlong eksplosibo sa loob ng limang araw na pinaigting na anti-criminality campaign sa Bicol Region.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas na pinapurihan ang matagumpay na operasyon ng Police Regional Office (PRO) V mula Abril 25-30 ng taong ito.

Base sa report ng bagong talagang si PRO V Director P/Brig. Gen. Jonnel Estomo, kabilang sa mga isinagawang operasyon ang pagkakapatay sa suspect na si Mario Quite Sandrino, miyembro ng Concepcion gang matapos na mauwi sa shootout ang pagsisilbi ng search warrant laban dito sa Brgy. San Miguel, Bato, Catanduanes noong Abril 25 alas-2:25 ng madaling araw. Nakumpiska sa lugar ang dalawang cal. 38 pistol na walang trademark at tinanggalan din ng serial number.

Sa nasabi ring araw ay sumunod na napatay si Brgy. Kagawad Froilan Oaferina III sa shootout sa Brgy. Tambo, Buhi, Camarines Sur dakong 6:59 ng gabi.

Noong Abril 26 bandang alas-5 ng umaga ay napatay rin sa engkuwentro sa operasyon ng pulisya at militar ang suspect na si Marlon Collantes, miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad sa Brgy. Payatan, Goa, Camarines Sur.

Narekober naman sa raid sa bahay ni Jose Begonia, kasapi ng Militia ng Bayan alas-6 ng umaga ng sumunod na araw sa nasabi ring bayan ang sari-saring mga armas.

Kabilang pa sa mga nakumpiska ay ilang cal .38 revolver na may anim na bala, isang KG9 Cal 9mm na may kargang 19 bala, improvised shotgun na may 8 bala, cal .22 revolver, cal 22 rifle, revolver TM ARMSCOR 202 Cal. 38 SPL na may pitong bala at iba pang uri ng mga baril at bala.

“These accomplishments are strong indications that our personnel on the ground is determined to arrest law breakers and criminals despite the threat of this pandemic,” ayon kay Sinas.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with