^

Probinsiya

2 nalibing nang buhay sa treasure hunting

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 nalibing nang buhay sa treasure hunting
Walang malay na isinugod sa Paracale Rural Health Unit pero kapwa idineklarang dead-on-arrival ang mga biktimang kinilalang si Dante Bombita Cereno, 33 at Danilo Jerez Castilar, 40, pawang residente ng naturang barangay.
STAR/ File

PARACALE, Camarines Norte, Philippines — Dalawang construction worker na nangangarap yumaman ang nalibing nang buhay sa tunnel na kanilang hinuhukay dahil sa treasure hunting matapos gumuho at matabunan sa Purok-1, Brgy. Casalugan sa bayang ito.

Walang malay na isinugod sa Paracale Rural Health Unit pero kapwa idineklarang dead-on-arrival ang mga biktimang kinilalang si Dante Bombita Cereno, 33 at Danilo Jerez Castilar, 40, pawang residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-5 kamakalawa ng hapon sa paniniwalang may nakatagong kayamanan ay lumusong sina Cereno at Castilar sa tunnel na may lalim na limang metro at naghukay.

Gayunman, habang nag­huhukay ay biglang gumuho ang tunnel at nagkaroon ng landslide dahilan para ma-trap ang dalawa.

Mabilis na rumesponde ang MDRRMO-Paracale at mga opisyal ng barangay at may ilang oras ding nag­hukay sa kinaroroonan ng mga biktima bago naiahon ang dalawa na agad isinugod sa pagamutan pero parehong hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with