^

Probinsiya

Mag live-in partners niratrat habang tulog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANDAON, Masbate, Philippines — Patay ang isang 40-anyos na babae habang sugatan ang kanyang kinakasama matapos na pagbabarilin sila ng dalawang hindi nakilalang gunmen habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tagpu ng bayang ito kamakalawa ng mada­ling araw.

Agad nasawi makaraang mapuruhan ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Nely Sto. Domingo habang patuloy na inoobserbahan sa Masbate Provincial Hospital ang kanyang kinakasamang si Ronel Villamor, 40, kapwa residente ng naturang lugar.

Hindi naman nakilala ang mga salarin na mabilis na nakatakas sa hindi malamang direksyon.
Sa ulat, dakong ala-1 ng mada­ling araw habang nasa kasarapan nang pagtulog ang mga biktima nang pwersahang pumasok ang dalawang gunmen at pinagbabaril ang dalawa.

Nakuha ng mga rumes­pondeng pulis sa lugar ang walong basyo ng kalibre 9mm na baril at dalawang basyo ng bala ng 12-Gauge shotgun.
Hindi pa malaman ang motibo sa pamamaril habang patuloy na iniimbestigahan ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with