^

Probinsiya

Senglot na nananakot ng mga nurse at pasyente sa ospital, inaresto

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Senglot na nananakot ng mga nurse at pasyente sa ospital, inaresto
Kinilala ng Bongabon Police ang suspek na si King Arjay Peralta, 23, binata ng Barangay Vega ng bayang ito.
STAR/File

BONGABON, Nueva Ecija, Philippines —  Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na magsisigaw at manakot ng mga nurse at pasyente sa isang pampublikong ospital sa bayang ito, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng Bongabon Police ang suspek na si King Arjay Peralta, 23, binata ng Barangay Vega ng bayang ito.

Ayon sa pulisya, isang hindi nagpakilalang nurse ng Bongabon District Hospital ang tumawag sa kanila at isinumbong ang ginagawang pananakot ng suspek sa harapan ng kanilang ospital ukol sa nakamamatay umanong COVID-19 virus.

Alas-3:40 ng madaling-araw nang respondehan ng pulisya ang lugar at doon ay naabutan pa umano nila na sumisigaw ang lasing na suspek at nagtatanim ng takot sa mga pasyente at personnel ng nasabing pagamutan.

Sa detention cell na ng istasyon ng Bongabon Police nagpa-umaga ang suspek na tila hindi na umano alam ang gulong kanyang nagawa. Sinampahan ng kasong alarm and scandal ang suspek.

vuukle comment

BONGABON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with