^

Probinsiya

3 HVT timbog sa P3.4 milyong na shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang tatlo katao matapos na mahulihan ang mga ito ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P3,400,000 shabu sa ikinasang drug entrapment operation ng otoridad sa Salibo-Midsayap Highway, Barangay Buayan, Datu Piang Maguindanao, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Candao Tugaya Mamalacat, 41, may asawa at residente ng Barangay Cabayuan, Buldon Maguindanao at ang magkapatid na sina Rahim Baluno Abusama alyas Onguya, 27 at Mujahid Baluno Abusama, 20, kapwa may mga asawa at mga residente ng Barangay Liong ng naturang bayan.

Ayon sa PDEA-BARMM, ikinasa nila ang operation 1:20 ng hapon kung saan mahigit dalawang linggo nilang tinitiktikan ang mga suspek bago tuluyang kumagat sa kanilang pain.

Bukod sa ilegal na droga nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang tatlong unit ng mga cellphone, dalawang leatherette wallet, isang Orange na pick up type Multicab, isang black Yamaha N-Maxx Scooter at nabawi rin ang ginamit na boodle money.

Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa detention facility ng PDEA BARMM at inihahanda na rin ang mga otoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act na isasampa laban sa kanila.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with