^

Probinsiya

Cavite road crash: 3 rider utas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Cavite road crash: 3 rider utas
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Darel Parpa, 22, factory worker; Jorlan Encamina, 30; at John Enojada, nasa hustong gulang ng B15,L62 Hamilton Homes, Brgy. Bucandala 1, Imus City, Cavite.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasawi  ang tatlong motorcycle rider habang sugatan ang dalawang angkas nila sa magkakahiwalay na aksidente sa Imus City. Gen.Trias City at Bacoor City sa Cavite noong Sabado ng gabi at kahapon ng mada­ling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Darel Parpa, 22, factory worker; Jorlan Encamina, 30; at John Enojada, nasa hustong gulang ng B15,L62 Hamilton Homes, Brgy. Bucandala 1, Imus City, Cavite.

Nagtamo rin ng sugat ang asawa ni Jorlan na si Sarah Jade Encamina, 30; at Clarissa Reyes, 35.

Sa ulat ng Imus City Police Station, minamaneho ni Parpa ang kanyang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Maynila habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway dakong alas-12:30 kamakalawa ng hapon at pagsapit sa Brgy. Anabu 1A, Imus City nang sumalpok sa center island at tumilapon ang katawan nito sa kalsada na nagresulta sa mga sugat sa katawan.

Isinugod pa sa Imus Doctor Hospital subalit idinekla­rang dead on arrival si Parpa.

Sa ulat naman ng Gen. Trias City Police Station,alas-8:07 nitong Sabado ng gabi nang maganap ang insidente kung saan minamaneho ni Rogelio Sipat,, 52,ang kanyang motorsiklong Honda TMX na may sidecar at  binabagtas ang kahabaan ng Arnaldo Highway nang tinangka nitong lumiko pakaliwa papasok sa Camachille Subd subalit,nabangga nito ang minamanehong motorsiklo ni Encamina na angkas ang kanyang misis na binabagtas din ang nasabing lugar patungo naman sa direksiyon ng San Francisco.

Sa matinding pagkakabangga ng mag-asawa ay nagtamo ng malalang sugat sa ulo ang lalaki kung saan kapwa isinugod sa Divine Grace Medical Center,subalit namatay habang ginagamot sa ospital.

Dakong alas-2:45  ng Linggo ng madaling araw nang maganap naman ang insidente sa kahabaan ng Tirona Highway Brgy.Habay 1, Bacoor City, Cavite kung saan minamaneho ni Enojada ang kanyang kulay itim na Suzuki raider at angkas nito si Reyes at sa lakas ng kanyang pagkakabangga, agad na namatay si Enojada nang tumama ang ulo at tiyan nito sa bakal habang ang angkas nito ay nasugatan sa katawan.

vuukle comment

DAREL PARPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with