^

Probinsiya

2 dayong tulak, patay sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 dayong tulak, patay sa buy-bust
Nabatid na dakong alas-3:25 ng madaling-araw ng Linggo nangyari ang drug buy-bust operation sa Barangay Soledad. Katuwang ng mga kagawad ng PPDEU ang mga miyembro ng Police Intel Unit ng NEPPO, PDEA-Nueva Ecija, 303rd MC RMFB at Sta. Rosa Municipal Police Station.
STAR/ File

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang dalawang dayong ‘tulak’ umano ng droga makaraang kumasa sa isinagawang buy-bust ng pulisya sa Barangay Soledad ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU), ang isa sa napatay na suspek na si Manny De Guzman, nasa hustong gulang ng San Rafael, Bulacan; habang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng isa pa na taga-Dasmariñas City, Cavite.

Nabatid na dakong alas-3:25 ng madaling-araw ng Linggo nangyari ang drug buy-bust operation sa Barangay Soledad. Katuwang ng mga kagawad ng PPDEU ang mga miyembro ng  Police Intel Unit ng NEPPO, PDEA-Nueva Ecija, 303rd  MC RMFB at Sta. Rosa Municipal Police Station.

Matapos umanong mag-abutan ng droga at dalawang piraso ng P500 bill ay bigla umanong nanlaban ang dalawang suspek na nauwi sa engkuwentro at ikinasawi ng dalawang suspek.

Narekober ng pulisya sa dalawang suspek ang 2 baril na caliber .38 revolver; at 11-pirasong sachet ng umano’y shabu na humigit-kumulang 40 gramo ang timbang at aabot sa halagang P277,000 sa ‘tagong’ merkado.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with