^

Probinsiya

Mister hinoldap ng 3, itinumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CASTILLAS, Sorsogon , Philippines — Hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang 31-anyos na mister matapos na hol­dapin at pagbabarilin ng tatlong armado sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Brgy.La Union sa bayang ito,kamakalawa ng gabi.

Apat na tama ng punglo sa katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Carlos Salazar Sevilla Jr.,residente ng Brgy.Taysan, Legazpi City, Albay.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na agad tumakas makaraan ang krImen.

Sa ulat, alas-8:50 ng gabi ay galing ng Sorsogon City sakay ng tricycle na minamaneho ni Roland Fuellas pauwi ang mag-asawang Carlos at Jane Sevilla,26-anyos at binabagtas ang kahabaan ng highway.

Pagdating sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek sa highway at pinatigil sila.

Agad nagdeklara ng holdap ang tatlo at inagaw ang dalang bag ni Jane saka kinaladkad sa tabi ng kalsada ang mister at apat na beses binaril ng dalawa sa mga suspek.

Hindi naman sinaktan ang misis at driver ng tricycle ng mga salarin na mabilis na tumakas.

Nakuha ng mga pulis sa lugar ang apat na basyo ng kalibre 45 baril habang patuloy na tinutugis ang mga salarin.

vuukle comment

LA UNION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with