^

Probinsiya

Pamilya,3 arestado sa droga

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Aabot sa mahigit kumulang sa P200,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa 3 magkakamag-anak sa buy-bust operation sa Brgy. Datu Esmael,ng nasabing lungsod,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Salik Mocaibat Mapandi, 33; Akmad Mapandi Lipugay, 48; at Pisigue Mapandi Lipugay, 46, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa nakalap na ulat, alas-11:00 ng gabi nang ikasa ng mga otoridad ang buy-bust operation laban sa tatlong suspek.

Kumagat ang tatlong suspek sa poseur buyer na bibili ng P10,000 halaga ng shabu at nang magkaabutan ay dito na inaresto ang mga una na nakuhanan ng 3 piraso ng medium size transparent plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na aabot sa timbang na mahigit sa 15 grams at may halagang mahigit kumulang sa P200,000.00.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with