^

Probinsiya

2 katao, timbog sa P.7 milyong marijuana

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dalawang katao ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa isang check-point matapos ang tangkang pagbiyahe ng 6 na kilo na bloke ng marijuana sa Barangay Sinsayon sa lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Roger Bangngawan, 33, residente ng Barangay Dao-Angan, Balbalan, Pinukpuk, Kalinga; at Raymond Ferrer, 28, residente ng Barangay Binaural,Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa pagbiyahe ng dalawang suspek kung kaya’t agad na inabangan ng pinagsanib na operatiba ng Santiago City PNP at mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang itinimbreng sasakyan na walang kaukulang plaka na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawa, ala-1:30 ng hapon.

 Maliban sa 6 na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana ay nakuha rin sa dalawa ang isang tubular na naglalaman din ng pinong dahon ng marijuana na tinatayang may kabuuang halaga na aabot sa halos P840,000 at mga pinutol na kahoy na wala ring mga kaukulang dokumento.

Bukod sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang dalawang mga suspek na nasa pangangalaga ngayon ng Santiago City PNP ay nahaharap din sa kasong PD 705 o Illegal Logging.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with