Nurse, 3 pa dakip sa drug bust
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Apat na katao kabilang ang isang nurse ang nadakip ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug buy-bust operation kamakalawa.
Kinilala ng Police Regional Office 02 ang mga nadakip na sina Richard Francis Valencia, 42, nurse, residente ng Barangay Dacalla Fugu, Camalaniugan, Cagayan; Ronaldo Alingog, 26, ng Zone 4 Research, Barangay Minante 1, Cauayan City; Angelo Bodollo, 20, at Joker Solda, 27, kapwa residente ng Barangay Cabaruan, Cauayan City sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay P/Lt. Col. Andree Abella, taga-pagsalita ng PRO2, si Valencia na kabilang sa High Value Individual ng pulisya ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Camalaniugan PNP, Philippine Drug Enforcement Agency at ang Batanes Provincial Office sa isang anti-illegal drugs operation sa Barangay Bulala, Camalaniugan.
Nauna rito ay dinakip din ng pinagsanib ng mga otoridad sina Alingog, Bodollo at Solda sa hiwalay na drug buy-bust operation sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Nasamsam sa 3 suspek ang 1 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 2 ziplock transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, 1 Caliber 38 na baril na may limang (5) bala at isang traysikel (QH6541) na ginamit sa transaksyon.
- Latest