2 drug pusher tiklo sa P3.4 milyong shabu
ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Dalawang drug suspects ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon at nakumpiska ang nasa P3,400,000.00 halaga ng shabu sa isang drug ops sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PDEA Region 3 chief Christian Frivaldo, ang dalawang drug suspects na sina Yasser Ibrahim at John Lagman na nasakote sa Barangay Ninoy Aquino at nakumpiska sa kanila ang nasa 500 gramo ng shabu na may street value na P3.4 million at marked money.
Paniniwala ni Frivaldo na ang mga naarestong suspek ay major suppliers ng shabu sa lungsod at matagal na itong minamanmanan ng PDEA, simula pa nitong Pebrero.
- Latest