^

Probinsiya

P100 milyong inilaan sa bakuna para sa mga San Joseño

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Tiniyak ng pamahalaang lungsod dito na walang maiiwang residente na hindi mababakunahan dahil may P100 milyon ang kanilang inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Sa isang panayam, sinabi ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes, pinaplantsa na ng lokal na pamahalaan ang tripartite agreement sa ilang mga lumilikha ng bakuna upang makabili ng sasapat para tinatayang lagpas sa isang milyong residente.

Ani Robes, layunin din ng kanyang asawang si Mayor Arthur Robes na mabakunahan ang 75 porsi­yento ng mga kuwalipikadong mamamayan sa pagtatapos ng taong 2021 habang ang nalalabing 25 porsi­yento ay mababakunahan sa unang bahagi ng 2022, depende sa mabibiling bakuna ng pambansang pamahalan.

“We are aiming for 75 percent coverage by end of 2021 but this will depend on the vaccine procurement of the national government. But we were assured by Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Chairperson, Secretary Carlito Galvez, that sufficient vaccines will arrive in the country by middle of this year until end third quarter of this year,” ani Rep. Robes.

Sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna, nakamit pa rin ng SJDM ang 90 porsiyentong target na mabakunahang mga health workers. Nasa 3,459 mula sa kabuuang bilang na 3,895 health workers o 88,81 porsiyentong target ang kanilang nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca.

Nakapagbakuna rin ang SJDM ng 100 porsiyento mula sa target na 220 katao na nakapagrehistro na pawang may comorbidities o nasa kategoryang A3 habang nagpapatuloy ang pagbabakuna sa may 22,039 senior citizen na nakapagrehistro bagama’t naunang itinigil pansamantala ng pambansang pama­halaan ang paggamit ng AstraZeneca sa mga may edad dahil sa usaping pangkaligtasan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with