^

Probinsiya

Alert level 2 sa Taal Volcano, nananatili

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

51 pagyanig sa loob ng 24-oras

MANILA, Philippines — Nananatili pa rin ang alert level 2 status sa Taal Volcano matapos na makapagtala ang Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-Phivolcs) ng kabuuang 51 volcanic earthquakes, sa loob lamang ng nakalipas na 24-oras.

Ayon sa DOST-PHI­VOLCS, kabilang sa na­itala ang 43 volcanic tre­mor na tumagal ng isa hanggang 17 minuto, wa­long low frequency volcanic earthquakes, at low-level background tremor na naitala simula ng pa 9:05 AM noong Abril 8.

Nagkaroon din umani ng mahinang pagsingaw, na may taas na limang metro, mula sa mga fumaroles o gas vents sa Main Crater ng bulkan.

“Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 1097 tonelada kada araw noong ika-17 ng Abril, 2021,” anang DOST-Phivolcs.

Huli anilang nasukat­ sa lawa ng main crater ang mataas na tempera­tura na 71.8ºC noong Marso 4, 2021 at acidity na may pH 1.59 noong Pebrero 12, 2021 naman.

Dahil dito, ipinagba­bawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang­ Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pa­mamangka sa lawa ng Taal.

vuukle comment

DOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with