^

Probinsiya

Korean nakitang patay sa dagat, kasamang babae nawawala

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Zambales , Philippines — Natagpuang palutang-lutang sa dagat at wala nang buhay ang isang Korean national habang patuloy na pinaghahanap ang isang babae na kasama nito sa pamamasyal sa Capones Island ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang dayuhang nasawi na si Changman Lee, 53-anyos, may asawa at residente ng Maho­gany St. Binictican, Subic Bay Freeport Zone habang ang nawawalang babae ay nakilalang si Hyun Jung Han, 52-anyos.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas-10:30 ng umaga kamakalawa nang arkilahin ng dalawa ang bangka ni Wilson Montessa para mag­pahatid sa Capones Island.

Nang makarating sa destinasyon, sinabihan umano ang bangkero na bumalik na lang kinabukasan bandang alas-8 ng umaga upang sunduin ang mga biktima.

Gayunman, nang bumalik ang bangkero kinabukasan ay nakita na lamang niyang palutang-lutang sa dagat ang lalaking Koreano may 5 metro ang layo mula sa dalampasigan habang nawawala ang babaeng kasama nito na pinaghahanap na ng mga awto­ridad. Patuloy pa ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

CAPONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with