^

Probinsiya

Notoryus na pusher todas sa drug-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Notoryus na pusher todas sa drug-bust
Sa ulat, alas-3:57 ng madaling araw ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit 5, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit,1st Provincial Mobile Force Company at Daet Police.
STRA/ File

DAET, Camarines Norte, Philippines — Bulagta ang isang notoryus na pusher na kasapi ng isang drug syndicate matapos umanong manlaban sa isang buy-bust operation sa Brgy.Magang ng bayang ito,kamakalawa.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Don Niño Fernandez Pado, nasa hustong gulang,may-asawa,residente ng nasabing barangay at kasapi ng Rey Gutierez Group.

Sa ulat, alas-3:57 ng madaling araw ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit 5, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit,1st Provincial Mobile Force Company at Daet Police.

Gayunman,nakahalata si Pado na pulis ang posuer buyer na kanyang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinutukan ang kanyang kaharap pero hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang posuer buyer dahilan para masapol sa katawan ang suspek.

Nakuha mula sa suspek ang isang medium sachet ng shabu, Kalibre 45 baril at motorsiklong gamit sa kanyang pagtutulak.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with