^

Probinsiya

Sekyu ng subdibisyon itinumba sa harap ng misis

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang­ sa mapatay ng tatlong lalaki ang isang guwardya na itinalaga ng mga bagong halal na opisyal ng isang home owners association, habang naka-duty ang biktima sa gate ng Goldenville 2 Subdividion sa Brgy. Sabang, Dasmariñas City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Alpasa Jacobe Jr. habang isa sa tatlong suspek ang natukoy na si Ro­naldo Pamindalan, residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang naka-duty sa kanyang security post ang biktima pasado alas-12 ng madaling araw nang dumating si Pamindalan sakay ng isang pribadong sasakyan at dumaan sa nasabing gate at sumunod ang dalawa pang suspek na agad nang pinagbabaril ang biktima.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek, nasa loob pala ng guard house ang misis ng biktima na si Neafalia at nasaksihan nito ang buong pangyayari. Nakita umano ng ginang si Pamindalan kasama ang dalawa pang suspek na siyang responsable sa pagpatay sa kanyang asawa.

Lumalabas na may kaugnayan sa pulitika sa loob ng subdibisyon ang motibo sa krimen dahil sa katatapos nilang eleksyon at sa pagpapalit ng administrasyon kaya nagtalaga ng bagong guwardya. Isa umano sa mga suspek ang dapat na naka-duty sa nasabing gate pero pinalitan umano­ siya ng biktima matapos ita­laga ng bagong mga luklok na opisyal ng asosasyon ng naturang subdibisyon.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with