^

Probinsiya

‘Wanted’ pumalagsa raid, utas

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang isang wanted person dahil sa mga kasong pagpatay matapos na manlaban sa ikinasang pagsalakay ng mga otoridad sa kanyang hideout sa Sitio Kabugan, Brgy. Guiling, Alamada ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Bayan Guila Dumila alias “Boy Army”, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, nagsanib puwersa ang mga elemento ng Joint Task Force Central (JTF), 34th Infantry “Reliable” Battalion, Banisilan Police at Alamada Police dakong alas-5:30 ng madaling araw para isilbi ang tatlong warrant of arrest laban kay Dumila sa pinagtataguan nito. Gayunman, sa halip na sumuko ay agad umanong pinaputukan ni Dumila ang mga papalapit na operatiba na napilitang gumanti na rin ng putok.

Ayon kay Lt. Col. Edgardo Vilchez Jr., com­manding officer ng 34-IB, narekober ng mga otoridad sa nasabing lugar ang dalawang M14 rifles, apat na (4) Magazines para sa M14, 116 rounds cartridges ng cal 7.62mm ball (ammunition), dalawang bandoliers, dalawang cartridge case ng cal 7.62mm (empty shell) at isang barrel ng cal .50 Barret rifle.

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with