12 nahawaan ng COVID-19 sa Subic
SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na 12 ang nahawaan ng COVID-19 sa Subic Bay Freeport na kinabibilangan ng 9 na residente at tatlong empleyado.
Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, pinakabata sa tinamaan ng COVID-19 ay dalawang taong gulang na batang babae habang nasa 65-anyos naman na babae ang pinakamatanda na nahawa ng virus sa Freeport.
Isa ring empleyado ng SBMA at isang residente ang gumaling sa nakakahawa at nakamamatay na virus matapos sumailalim sa 14-day quarantine period.
Sinabi ni Eisma na sa kasalukuyan ay umabot na sa 24 aktibong kaso ng COVID-19 ang naitatala ng SBMA at patuloy pa umano itong madaragdagan kung hindi susunod sa umiiral na health and safety protocols ang publiko.
- Latest