^

Probinsiya

Rider na sekyu sumalpok sa poste, tepok

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines —  Dead-on-the- spot ang isang sekyu matapos ang minamaneho niyang motor ay sumalpok sa isang poste sa gilid ng highway, Brgy. Sta. Maria, ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Zydnee Kristoff Abalos­ Montalban, 32, security guard, residente ng B5, L6, San Antonio De Padua 1 Dasmariñas City, matapos nitong sumalpok sa kongkretong poste sa gilid ng higway.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksi­dente, alas-5:30 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kaniyang Honda Beat MC at mabilis na binabagtas ang kahabaan ng Congressional Road, Brgy. Sta Maria Dasmariñas City na ito ay mawalan ng kontrol at tuluy-tuloy na sumalpok sa kongkretong poste na dahilan ng agarang pagkamatay nito.

vuukle comment

GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with