^

Probinsiya

Nueva Ecija nagpapasaklolo na ng doctors at nurses mula sa PNP, BFP at AFP

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Nueva Ecija nagpapasaklolo na ng doctors at nurses mula sa PNP, BFP at AFP
Ayon din sa BFP-Nueva Ecija, kailangan pa umano ang bureau order mula sa kanilang national headquarters para sa augmentation ng kanilang mga licensed nurses at doctors na ipadadala sa mga ospital, habang ang mga doktor­ at nars sa 84th IB ay na­katalaga naman sa pagamutan sa loob ng Fort Magsaysay.
AFP/Joaquin Sarmiento

NUEVA ECIJA, Philippines — Na­nawagan na si Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali ng tulong sa mga licensed nurses at doctors mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), upang i-deploy sa mga ospital na kulang na sa mga manpower, pribado man o publiko sa lalawigang ito.

Sa isinagawang NE-IATF Protocols and CO­VID-19 concerns meeting via zoom noong Abril 5, suhestiyon ni Gov. Umali na sa bilis ng pagtaas ng hawahan sa nasabing virus ay kailangang magpasaklolo sa mga doktor at nars na nagsisilbi sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at maging­ medical frontliners ng bayan ngayong may pan­demic.

Sinabi naman ni Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, mayroon silang 76 registered nurses na nakakalat sa mga istas­yon ng pulisya sa buong lalawigan.

Ayon din sa BFP-Nueva Ecija, kailangan pa umano ang bureau order mula sa kanilang national headquarters para sa augmentation ng kanilang mga licensed nurses at doctors na ipadadala sa mga ospital, habang ang mga doktor­ at nars sa 84th IB ay na­katalaga naman sa pagamutan sa loob ng Fort Magsaysay.

Base naman sa update ni Dr. Huberto Lapuz, medical center chieff II ng Dr. PJGMRMC, as of April 5, nasa 73 na ang admitted sa kanilang COVID ward, 77% dito ang taga-Nueva Ecija habang 23% ay nagmula sa National Ca­pital Region (NCR) at mga probinsya ng Bulacan, Pampanga at Laguna, alinsunod sa one hospital command center. Aniya, mula sa 120 bed capacity ay maaari umanong i-adjust hanggang sa 200 beds para sa COVID patients ang PJGMRMC, ayon pa kay Lapuz.

Pansamantala rin umanong isinara ang out-patient department (OPD) ng PJGMRMC upang ma-contain ang pagkalat ng virus sa ka­nilang bisinidad at hindi mahawahan ang ibang pasyente na nagki-che­motherapy at iba pa na nangangailangan­ ng ka­nilang serbisyo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with