^

Probinsiya

Truck helper nasakote sa P.4 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Truck helper nasakote sa P.4 milyong shabu
Nakuha buhat sa pag-iingat nito ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 20.2 gramo na nagkakahalaga ng P412,080.00, isang pirasong genuine­ P500 marked money, tatlong bogus P500, at tatlong bogus P1,000.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Kulungan ang binag­sakan ng isang pahinante ng trak makaraang ma­kumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P400,000.00 sa anti drug operation na isinagawa ng joint ope­ratives ng Quezon at Lucena PNP Drug En­forcement Unit sa Purok Central, Barangay Ibabang Dupay, nitong Biyernes Santo.

Kinilala ni Quezon PNP Provincial Director (QPPO) PCol. Ericson Dilag ang naarestong suspek na si Adonis Alay, 48, may-live in partner at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, dakong­ alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga otoridad ang buy bust operation sa suspek.

Nakuha buhat sa pag-iingat nito ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 20.2 gramo na nagkakahalaga ng P412,080.00, isang pirasong  genuine­ P500 marked money, tatlong bogus P500, at tatlong bogus P1,000.

Nakapiit na sa lock up jail ang suspek at sinampahan ng kasong­ paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with