^

Probinsiya

Nakakasirang karbon pinatitigil ng mga lider ng simbahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit na tuldukan na ang patuloy na pagtatayo at pag­gamit ng nakasisirang ‘coal’ o karbon bilang enerhiya sa bansa.

Ito ang panawagan ng mga lider ng Simbahan at kabataan sa bayan ng Atimonan sa lalawigan ng Quezon.

Ang panawagan ay isinagawa sa online devotion session nitong­  Holy Week na tinawag na ‘Daan ng Krus tungo­ sa Pagbabagong Ekolohikal (Way of the Cross towards Ecological Con­version) ng Our Lady of Angels Parish sa Atimo­nan, na inspirasyon sa 2019 Pastoral Letter on Ecology ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at  Pope Francis’s encyclical Lau­dato Si’.

Sa pahayag ni Monsignor Noel Villareal of the Our Lady of Angels Parish muling iginiit na tuldukan na ang pagta­tayo at pagpopondo sa  mga proyektong  ‘coal plants’ dahil sa panga­nib nitong malilikha sa climate change, at masamang impak sa kapa­ligiran, lalo na sa kalusugan ng sambayanan.

Ang preserbasyon aniya ng  ‘natural world’ at proteksyon sa karapatan ng sambayanan, maging sa mga bagong henerasyon na mamuhay sa malinis na kapaligiran ay bahagi at parsela ng kanilang tungkulin bilang katiwala ng Paglikha at Lumikha.

vuukle comment

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with