^

Probinsiya

Ex-AFP major patay sa counterflow

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Ex-AFP major patay sa counterflow
Kinilala ang nasawing si Ronald Macalintal, 51,retired major ng AFP, manager ng security agency at residente ng Bacoor City.
STAR/ File

BACOOR CITY, Cavite, Philippines — Isang retired major ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kasalukuyang manager ng isang security agency ang nasawi habang tatlong motorcycle rider ang nasugatan matapos na sila ay salpukin ng kotse ng una sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-Way, Brgy. Habay 1, ng nasabing lungsod,kamakalawa.

Kinilala ang nasawing si Ronald Macalintal, 51,retired major ng  AFP, manager ng security agency at residente ng Bacoor City.

Kasalukuyan namang mga inoobserbahan sa pagamutan ang tatlong nasugatang rider na sina Jenno Ventura, 24; Erson Padilla , 37, kapwa delivery rider;at Momol Isaias, 36, electrician.

Sa imbestigasyon,bago nangyari ang aksidente,alas-2:40 ng hapon ay magkakasunod na bumabagtas ang tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway papuntang Maynila at bumabagtas ng opposite direction ang kotse ni Macalintal nang ito umano ay  mag-counterflow at nasalpok ang tatlong rider.

Tumilapon ang mga riders habang naipit naman sa loob ng kaniyang minamanehong kotse si Macalintal.

Idineklarang dead-on-arrival sa St.Dominic Hospital si Macalintal.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with