^

Probinsiya

3 katao sugatan sa pagsabog ng IED

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Tatlo katao ang sugatan makaraang sumabog ang improvised explosive device (IED) sa kasagsagan nang pagdaraos ng kwaresma sa Jose Lim Street, MB Bagua sa lungsod na ito.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Marguiana Kalim, 45; Yusoph Kalim, 21; at Azmad Cader, 21 na  nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional and Medical Center.

Batay sa ulat, alas-6:00 ng gabi nitong Huwebes ay sakay ng trisikad ang mga biktima at binabaybay ang Jose Lim Street nang sumabog ang IED.

Ayon sa post blast Investigation ng Bomb Squad ng City PNP, matapos ang unang pagsabog sa harap ng dating opisina ng PP4 ay isang suspected item din ang nakita sa parking area ng lumang police station at agad napigilan ang posibleng sumabog.

Tumambad sa mga pulisya ang tatlong mortar na component ng Improvised Explosive Device na isang piraso ng 81mm at dalawang piraso ng 60mm mortar.

vuukle comment

IED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with