^

Probinsiya

T’boli mayor na unang nagpabakuna, nagpaliwanag

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
T�boli mayor na unang nagpabakuna, nagpaliwanag
Sa isang panayam kay Mayor Tuan, nilinaw nitong naglunsad sila ng “inoculation program” noong Marso 19, 2021 kung saan binakunahan ang mga medical wor­kers sa kanilang bayan. Gayunman, hindi umano nagpakita ang apat sa 10 healthcare workers, kaya anim lamang ang nabakunahan.
Philstar.com/Irish Lising, file

Kasunod ng ‘show cause order’ ng DILG

NORTH COTABATO, Philippines — Binasag na ni T’Boli Mayor Dibu Tuan sa South Cotabato ang kontrobersiya hinggil sa pagbabakuna nito sa COVID-19 vaccine sa kabila na mga medical frontliners ang prayoridad sa listahan ng mga dapat mabigyan ng bakuna.

Sa isang panayam kay Mayor Tuan, nilinaw nitong naglunsad sila ng “inoculation program” noong Marso 19, 2021 kung saan binakunahan ang mga medical wor­kers sa kanilang bayan. Gayunman, hindi umano nagpakita ang apat sa 10 healthcare workers, kaya anim lamang ang nabakunahan.

Dahil dito, nagpulong sila at napagkasun­duan umano kung puwedeng maging kapalit ang alkalde sa mga hindi lu­mutang na dapat maba­kunahan, na sinang-ayunan naman ng mga opisyal sa pulong.

Iginiit ni Tuan na ma­sasayang umano ang apat na natitirang doses kapag hindi ito gagamitin. Aniya, ang kanyang pagpaturok ng bakuna ay upang ipa­kita sa kanilang mga mamamayan na ligtas­ ito at mapawi ang kani­lang pangamba hinggil sa maling impormasyon sa vaccine.

Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos maglabas ng show cause order kamakailan ang Department of Inte­rior and Local Government (DILG) laban sa kanya at iba pang mayor kabilang na sina Sto.Niño, South Cotabato Mayor Sulpicio Villalobos, Tacloban Mayor Alfred Romualdez, at Legazpi City Mayor Noel Rosal.

vuukle comment

BAKUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with