^

Probinsiya

12 ‘turista’ inaresto: 1 nagpositibo sa COVID-19

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
12 �turista� inaresto: 1 nagpositibo sa COVID-19
Ayon kay Col. Romano Cardiño, acting director ng Zambales Police Provincial Office nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga concerned citizen na mayroong 12 katao na namamasyal sa Mt. Tapulaom na kilalang magandang lugar na ina­akyat ng mga mountain hikers sa nasabing bayan.
Walter Bollozos, file

Habang namamasyal sa Mt. Tapulao       

PALAUIG, Zambales, Philippines —  Kalaboso ang 12 ka­tao na namamasyal sa Mount Tapulao at hinihinalang nagtataglay ng coronavirus disease (COVID-19) matapos ares­tuhin ng pulisya dahil sa paglabag sa ipinatutupad na Inter-Agency Task Force guidelines at local ordinance sa ba­yang ito kamakalawa.

Ayon kay Col. Romano Cardiño, acting director ng Zambales Police Provincial Office nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga concerned citizen na mayroong 12 katao na namamasyal sa Mt. Tapulaom na kilalang magandang lugar na ina­akyat ng mga mountain hikers sa nasabing bayan.

Nang respondehan ng mga pulis, napag-ala­man na mula sa ka­lapit na probinsya ang nasa­bing grupo na lulan ng kulay metallic gray na Nissan Grandia (NDJ-4607) at walang maipakitang kaukulang dokumento para sa ipinatutupad na health protocol sa nasabing lugar.

Isa umano sa mga bumibisita sa naturang lugar ang isinailalim sa swab test at nang lumabas ang resulta ay nagpositibo sa COVID-19 da­hilan upang i-quaran­tine ang 11 pa nitong ka­samahan.

“Time and again, I appeal to the public to stay at home if there is no need to go outside. Your police are duty bound to enforce the law and we will not hesitate to arrest those who break the law,” babala naman ni Regional Police Office director P/Brig. Gen. Valeriano De Leon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with