^

Probinsiya

Sekyu ng mall nagsoli ng pera at cellphone

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Sekyu ng mall nagsoli ng pera at cellphone
Ayon kay Lilibeth Azores, PR consultant ng SM City Lucena, habang gumagampan ng kanyang tungkulin si Security Guard Carlo Bolito ng Stanch Security Agency sa Open Parking C ng nasabing mall ay napulot nito ang isang wallet na may lamang pera na nagkakahalaga ng P28,073.00, isang Iphone8, mga IDs at iba pang mahahalagang dokumento.
Miguel De Guzman

LUCENA CITY, Philippines — Umaani ngayon ng papuri ang isang security guard ng isang malaking mall dahil sa kabila ng nararanasang kahirapan dulot ng pandemya, hindi siya nagdalawang-isip na isoli ang napulot niyang wallet na naglalaman ng pera at mamahaling cellphone sa Brgy. Ibabang Dupay kahapon.

Ayon kay Lilibeth Azores, PR consultant ng SM City Lucena, habang gumagampan ng kanyang tungkulin si Security Guard Carlo Bolito ng Stanch Security Agency sa Open Parking C ng nasabing mall ay napulot nito ang isang wallet na may lamang pera na nagkakahalaga ng P28,073.00, isang Iphone8, mga IDs at iba pang mahahalagang dokumento.

Ang napulot na pera at cellular phone ni Bolito­ ay agad niyang dinala sa Community Relation Service­ (CRS) Office ng nasabing mall para ma­tukoy ang tunay na nagmamay-ari nito.

Sa isinagawang beripikasyon, nakilala at na­ibalik ang naturang wallet at cellphone sa nagmamay-ari nito na nakilalang si Noeh Ramos, 25-anyos at taga- Brgy. Mayao Parada, Lucena City.

vuukle comment

PR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with