^

Probinsiya

Labor leader itinumba sa Laguna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Labor leader itinumba sa Laguna
Ito ang inihayag kahapon ng ilang Makabayan bloc solons na agad kinondena ang ginawang pamamaslang kay Dandy Miguel, union president ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Timog Katagalugan–KMU (Pamantik-KMU) at presidente ng Fuji Electric-Olalai-KMU.

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lider manggagawa ng armadong kalalakihan ilang oras bago ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Laguna kamakalawa ng gabi.

Ito ang inihayag kahapon ng ilang Makabayan bloc solons na agad kinondena ang ginawang pamamaslang kay Dandy Miguel, union president ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Timog Katagalugan–KMU (Pamantik-KMU) at presidente ng Fuji Electric-Olalai-KMU.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, si Miguel ay pinagbabaril dakong alas-8:45 ng gabi sa Calamba City.

“Bayan Muna vehemently condemns the killing of Pamantik-KMU leader Dandy Miguel. This is unmistakably the continuation of the Bloody Sunday raids several weeks ago that ended in the murder of nine activists and arrest of several others,” pahayag ni Gaite.

Sa panig ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, sinabi nito na ayuda at hindi bala ang kailangan ng mga manggagawa.

Ayon kay Castro, walong tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Miguel na miyembro rin ng National Council of Kilusang Mayo Uno. Nauna rito, sinabi ng lady solon na noong Marso 15 ay nagtungo pa ang grupo ni Dandy Miguel sa Commission on Human Rights kasama ang Kilusang Mayo Uno para maghain ng kaso at kondenahin ang “Bloody Sunday killings“ sa CALABARZON noong Marso 7, 2021 at pagatake laban sa mga lider ng union sa Timog Katagalugan.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with