^

Probinsiya

POGO building sa Imus gagawing isolation facility

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
POGO building sa Imus gagawing isolation facility
Ang nasabing gusali ay orihinal na itinayo para sa mga in-house POGO employees, pero dahil sa pandemya at hindi operational ay nakipag-usap ang Imus LGU para upahan ito at pansamantalang gawing isolation facility upang mapakinabangan.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sanhi upang mapuno ang mga ospital ng mga pasyente, gagawin nang isolation facility ng lokal na pamahalaan ang nakatiwangwang na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) building sa Imus City.

Ayon kay City Mayor Emmanuel Maliksi, naisipan nilang gamitin pansamantala ang nasabing POGO building na matatagpuan sa Brgy. Palico 4, dahil sa dumaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kasama na ang Imus na problemado sa pagdadalhan ng mga pasyenteng tinamaan ng virus dahil puno na ang kanilang anim na ospital. 

Ang nasabing gusali ay orihinal na itinayo para sa mga in-house POGO employees, pero dahil sa pandemya at hindi operational ay nakipag-usap ang Imus LGU para upahan ito at pansamantalang gawing isolation facility upang mapakinabangan.

Ayon kay Maliksi, inaasahang magsisimula ang pormal na operasyon ng nasabing isolation facility sa susunod na linggo na may 140 bed capacity. Kaya itong mag-accomodate ng apat na pas­yente sa isang kuwarto o halos 600 na pasyente sa kabuuan.

Ayon pa sa alkalde, pinayuhan na niya ang mga ospital na mag-extend ng bed capacity at sa pagbubukas ng COVID-19 isolation facility ay matutulungan nito na ma-decongest ang mga napunong ospital, at mailipat sa pasilidad ang ilang pasyente ng COVID-19.

Inaasahang ilalabas ng DOH Region 4A, ang accreditaion ng pasilidad para ito magamit. 

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with