^

Probinsiya

72-anyos biyuda patay sa pickup

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MULANAY, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 72-anyos na biyudang lola makaraang mabangga at masagasaan ng pickup truck sa national road na sakop ng Barangay Sta. Rosa sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Salvation Magpantay habang nasa kustodya na ng pulisya ang nakabanggang driver na si Marlon Abayon, 38, ng Gumaca, Quezon. Ayon sa pulisya, alas-7:30 ng gabi habang minamaneho ng suspek ang isang Toyota Hilux pickup patungo sa Gumaca, ­Quezon nang hindi nito mapansin ang pagtawid ng lola sa highway.

Hindi na nakapagpreno ang suspek at natumbok ang biktima na tumilapon ng may limang metro saka pa nasagasaan na sanhi ng kanyang kamatayan. 

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with