^

Probinsiya

Bangkay lumutang sa dagat ng Zambales

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

CABANGAN, Zambales, Philippines — Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga namamalakaya na palutang-lutang na may apat na milya sa karagatan ng bayang ito kamakalawa.

Patuloy pang inaalam ng Cabangan Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng kulay pulang t-shirt, asul na maong na short,  itim na sinturon at tinatayang nasa 5’3” ang taas at katamtaman ang pangangatawan.

Nasa stage of decomposition na umano ang bangkay nang madiskubre ng mga namamalakaya sa karagatan na sakop Barangay Filmida Diaz, Cabangan, Zambales 

Nakalagak ang bangkay ng biktima sa St. Matthew Funeral Homes, sa Cabangan, Zambales para isailalim sa awtopsiya upang mabatid ang sanhi ng pagkamatay nito.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with