^

Probinsiya

Miyembro ng barangay council itinumba

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Patay ang isang mi­yembro ng konseho ng barangay sa Dalimag, San Isidro, Abra matapos tambangan at barilin ng isang hinihinalang berdugo kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng San Isidro Police, ang biktima na si Alberto Pacsa Sotelo, 47-anyos ng Sitio Calaoi ay pauwi na sa kanyang bahay sakay ng kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang isang gunman at malapitan siyang binaril.

 Tumakas ang suspek nang makitang bumulagta si Sotelo habang mabilis na isinugod ng mga saksi ang huli sa Abra Provincial Hospital sa Bangued subalit idinekla­rang dead-on-arrival ni Dr. Christian Azurin.

 Nabatid na blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagptay sa biktima at kung sino ang nasa likod nito kasunod na rin ng anila’y walang katapusang gun-related violence o mga patayan sa hilagang bahagi ng lalawigan.

Samantala, nanawagan ang pamilya ng biktima na masusing imbestigahan ang nasabing krimen at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaanak.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with