^

Probinsiya

Babaeng sales agent itinumba ng tandem

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Babaeng sales agent itinumba ng tandem
Bumulagta sa kanilang terrace si Ruth Rafa matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Upper Bilolo, Orion, Bataan kahapon.
Photo: Orion PNP

ORION, Bataan, Philippines — Pinagbabaril sa loob ng kanyang bakuran ang 52-anyos na babaeng sales agent ng riding-in-tandem na naka-face mask kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Nadatnan ng pulisya na duguang nakabulagta ang biktimang si Ruth Rafa, residente ng NPR Subdivision, Upper Bilolo, Orion bunsod ng mga tama ng punglo sa katawan.

Sa ulat sa tanggapan ni Orion Police chief Major Joshua Gonzales, alas-8:27 ng gabi habang nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang duma­ting ang dalawang ‘di kilalang suspek lulan ng motorsiklo.

Isa sa mga suspek ang nagsilbi umanong lookout habang bumaba ang angkas sa motorsiklo at inasinta ang biktima saka pinutukan ng maraming beses na kanyang agarang ikinasawi.

Makaraan ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek na kapwa naka-helmet, may suot ng kulay berde at asul na damit, at naka-face mask patungo sa direksyong Upper Bilolo dumpsite ng nabanggit na bayan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang metal fragments at 3-pirasong basyo ng bala ng caliber 45.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with