^

Probinsiya

Ama inaresto sa pag-rape sa anak, napatay ng pulis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ama inaresto sa pag-rape sa anak, napatay ng pulis
Ang suspek na nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib ay kinilala lamang sa pangalang “Tanting” habang nasa panga­ngalaga na ng lokal na Social Welfare and Development ng bayan ang biktimang si “Len”, 9-anyos.
File

MERCEDEZ, Camarines Norte, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 45-anyos na tatay matapos mabaril ng pulis na inagawan nito ng baril nang arestuhin sa kasong panghahalay sa sariling anak sa Brgy. San Roque ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang suspek na nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib ay kinilala  lamang sa pangalang “Tanting” habang nasa panga­ngalaga na ng lokal na Social Welfare and Development ng bayan ang biktimang si “Len”, 9-anyos.

Sa ulat, naikuwento ni Len sa kalarong lalaki na siya ay laging hinahalay ng kanyang tatay sa tuwing ito ay nalalasing.

Naikwento naman ng kalaro sa kanyang tatay ang dinaranas ng biktima kaya agad silang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Kaya’t dakong alas-8:30 ng gabi ay nagsiksik ng cellphone at binuksan ang camera ang mga opisyal ng barangay sa butas ng dingding ng bahay ng mag-ama upang mapatunayan na nagsasabi ng totoo ang bata.

Pag-uwi ng suspek sa bahay ay muli na namang ginahasa nito ang anak na na-record ng cellphone pati na ang pagmamakaawa ng bata ay nairekord na bilang ebidensya kaya’t inaresto ang suspek.

Kinaumagahan, ay isi­nakay ng mga pulis ang suspek sa police car para dalhin sa ospital at ipa-medical exam bago dalhin sa presinto.

Habang binabagtas ang kahabaan ng Cory Aquino Boulevard ay inagaw umano ng suspek ang baril ng katabing pulis na si Cpl.Rojane Martinez kaya sumaklolo si Major Garcia at nagpambuno sila sa baril hanggang dalawang beses na naiputok ito sa dibdib ng suspek.

Isinugod pa rin ng mga pulis sa Camarines Norte Provincial Hospital sa ba­yan ng Daet ang suspek pero idineklara itong dead on arrival.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with